May edad 15-65, maaari nang lumabas ng kanilang mga bahay

May edad 15-65, maaari nang lumabas ng kanilang mga bahay

MAAARI nang lumabas ng kanilang mga bahay ang may edad 15 hanggang 65 taong gulang.

Ito ang kinumpirma ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Ayon kay Roque, kahapon, Oktubre 15 nang aprubahan ng Inter-Agency Task Force ang adjustment ng age-based stay at home restriction.

Gayunman, sinabi ng kalihim na maaring magpatupad ng mas mataas na age limit sa mga minor ang mga local government unit, depende sa COVID-19 situation sa kanilang kinasasakupan.

Sa unang panuntunan ng IATF, bawal lumabas ng bahay ang pababa sa 21 taong gulang at 60 taong gulang pataas.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *