WellMed
Business National

May-ari ng WellMed Dialysis Center at whistleblowers sa ghost dialysis scam, kinasuhan

KINASUHAN na sa Department of Justice o DOJ ang may-ari at ilang opisyal ng WellMed Dialysis Center.

Kaugnay ito sa nabulgar na paniningil umano ng ghost dialysis claims ng WellMed sa PhilHealth.

Kasong estafa at falsification of documents ang isinampa ng National Bureau of Investigation o NBI laban sa may-ari ng WellMed na si Bryan Sy.

Kasama rin sa kinasuhan ang iba pang opisyal ng WellMed na sina Dr. John Ray Gonzales, Medical Director; Claro Sy, chairman; Alvin Sy, corporate treasurer; Therese Francesca Tan, purchasing officer; Dick Ong, administration officer; at physicians Dr. PORSHIA Natividad at Joe­mie Soriano.

Isinailalim din sa inquest proceedings ang mga whistleblowers na sina Edwin Roberto at Liezel Santos.

Sa ngayon ay nananatili sa kustodiya ng NBI si Sy at ang magkarelasyon na whistleblowers.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *