Matteo Guidecelli, proud na proud sa baking skills ng kanyang asawa

Matteo Guidecelli, proud na proud sa baking skills ng kanyang asawa

“THE best” yan ang salitang makakapaglarawan ng baking skills ni singer-actress Sarah Geronimo ayon sa kanyang asawa na si Matteo Guidicelli.

Sa isang cooking collab vlog nila KC Concepcion para sa isang Tuna Show, bukambibig ni Matteo ang talento ng asawa at ikinuwento kay KC.

Dagdag pa ni Matteo, nakakabilib daw talaga si Sarah dahil ang first try nito na mag-bake ng cake ay perfect na agad.

Kaugnay nito, sinabi ni Matteo kay KC na si Sarah naman ang imbitahin nito sa susunod, pumayag naman si KC kahit wala siyang alam sa baking dahil matagal na din silang hindi nagkikita.

Samantala, makikita naman sa mga Instagram post ni Matteo ang mga cake na binake ni Sarah para sa kanya at kalakip nito ang #shesthebest at #proudhusband.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *