Matagumpay na estratehiya sa pagbabakuna sa Israel nais gayahin ng Pilipinas

Matagumpay na estratehiya sa pagbabakuna sa Israel nais gayahin ng Pilipinas

TATLONG eksperto galing sa Israel Ministry of Health ang nakatakdang dumating sa Hunyo 20, 2021 upang talakayin ang mga diskarte at estratehiya sa pagbabakuna.

Tinatarget ngayon ng pamahalaan na maisagawa ang parehong estratehiya ng Israel pagdating sa pagbabakuna.

Ito ay dahil sa matagumpay na vaccination program na ginagawa ng Israel, na umabot sa mahigit na kalahating populasyon nito ay nabakunahan na ng Pfizer-BioNTech vaccines.

Nitong Abril 18 lamang ay opisyal na ipinatupad ang outdoor face mask policy na nanghihikayat para sa iba pa na magpabakuna.

Ayon kay vaccine czar Carlito Galvez Jr., at siya ring National Task Force (NTF) Against COVID-19 chief implementer, na ang kapamaraanan ng Israel sa mga nakatanggap na ng bakuna, ay mas may kalayaang kumilos at magbigay daan para sa unti-unting pagbabalik sa normal.

Samantala para naman sa hindi pa nakatanggap ng bakuna ay kailangan pa ring sumunod sa quarantine protocols.

Pinuri naman ni Galvez ang iba`t ibang mga local government units (LGUs) at pribadong sektor sa bansa na nagsisikap na palakasin ang kumpiyansa ng mga kababayan na magpabakuna.

 “With the help of all sectors, unti-unti nang tumataas ang public uptake (the public uptake is gradually increasing). We started with only 32 percent and now we are reaching 60 percent to 80 percent and with more aggressive efforts such as house-to-house campaigns, barangay town hall meetings, and tapping household advocates, tataas pa ‘yan (it would still increase),” pahayag ni Galvez.

Sinabi ni Galvez na ang mga LGUs ay nag-aalok ng iba’t ibang mga insentibo upang hikayatin ang higit pang mga Pilipino na  magpabakuna, tulad na lang ng raffle draw, pagbibigay ng mga sako ng bigas, mga hayop sa bukid, motorsiklo, at isang house and lot.

Isang pribadong sektor din ay naglunsad ng “Ingat Angat Bakuna Benefits” kung saan ang mga nakatanggap na ng bakuna ay mabibigyan ng exclusive discount at special gifts mula sa mga restawran sa buong bansa.

(BASAHIN: Ceremonial vaccination para sa A4 priority group, isasagawa ngayong araw)

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *