kaso ng leptospirosis
Health

Mataas na bilang ng kaso ng leptospirosis sa bansa, naitala sa NCR

NAKAPAGTALA ng mataas na bilang ng kaso ng leptospirosis ang National Capital Region.

Batay sa datos ng Department of Health katuwang ang National Kidney Institute, may 307 na kaso ng leptospirosis na ngayon ang NCR na sinundan ng Regions 5 at 6

Sa kabuuan nasa 981 na kaso na ang naitala ng DOH sa kaso ng leptospirosis bagama’t mas mababa ito kumpara sa naitalang kaso noong Enero hanggang Hulyo noong nakaraang taon na may bilang na 2618 na kaso.

Patuloy ang paalala ng Health Department ng bansa na mag ingat at iwasan ang lumusong sa baha lalo na sa may mga taong may sugat.

Ilan sa mga sintomas ng leptospirosis ang mataas na lagnat, pagkahilo, pagdurugo ng ilong at bibig,  at pamumula ng mata.

Payo ngayon ng DOH, agad na magpatingin sa doktor at oinakamalapit na pagamutan para sakit ay maagapan.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *