Mataas na benepisyo ng uniformed personnels, isinusulong

Mataas na benepisyo ng uniformed personnels, isinusulong

ISINUSULONG ngayon sa Kamara na taasan ang benepisyo ng military and uniformed personnels o MUPs na masasawi o di kaya ay masusugatan sa operasyon.

Kasama sa MUPs ang mga taga-Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines, Bureau of Fire Protection, Bureau of Jail Management and Penology, Bureau of Corrections at ang hydrography branch ng national mapping and resource information agency.

Bahagi ito ng isinusulong na House Bill 9271 ni House Ways and Means Committee Chairman at Albay Rep. Joey Salceda.

Aniya, layon nito na tumbasan ang sakripisyo ng mga nagbubuwis ng buhay para sa kapakanan ng bayan.

Ngunit ayon kay Salceda na wala pang maibibigay na kagayang kompensasyon dahil sa ngayon ay wala pang reserve fund para dito.

Sa ilalim ng panukala, ang government service insurance system (GSIS) ang hahawak sa reserve fund.

“Right now, we can’t make those compensations, because we don’t have a reserve fund for their pension, and we pay all pensions out of the national budget,” pahayag ni Salceda.

At dito kukunin ang pondo para sa unique insurance system para sa mga mapapahamak sa bakbakan.

“Once we get the GSIS to run the military pension, we will be able to create an insurance system for the unique risks they take in the line of duty,” ani Salceda.

Bubuo rin ng MUP Trust Fund at gagawing mandatory ang kontribusyon nito sa mga uniformed personnel.

Ayon naman kay Salceda, suportado ng Department of Finance (DOF) ang panukala at kinonsulta na rin ito ni House Speaker Lord Allan Velasco sa nasabing usapin.

Tiniyak naman ng mambabatas na maipatutupad ang repormang ito sa ilalim ng Duterte Administration.

Pati na ang pagsasaayos sa mga isyu sa MUP pension system.

“The house leadership also wants to address long standing issues in the MUP pension system. The details will be debated, I am sure. But this reform will move under this administration,” dagdag ni Salceda.

Taong 2004 pa nang unang isulong ang MUP pension reform o sa panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Hanggang noong Disyembre 2019, nasa 402,086 ang active MUPs sa bansa.

Nasa 196,004 dito ay regular pensioners habang 93,172 ang survivorship pensioners o benepisyaryo ng mga nasawi.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *