Mas pinagandang Manila City Hall Underpass, bubuksan na sa susunod na linggo

Mas pinagandang Manila City Hall Underpass, bubuksan na sa susunod na linggo

INAASAHAN sa susunod na linggo ay tuluyan nang mabubuksan sa publiko  ang Manila City Hall Underpass patungong Intramuros.

Inaasahan na sa pagbubukas ng bagong renovated na underpass mas magiging maginhawa na ang pagdaan ng mga taong tatawid mula city hall patungong Intramuros o vice versa.

Kung matatandaan sinimulan i-renovate noong November 2019 ang Manila City Hall Underpass.

Kung ikukumpara sa dating itsura ng underpass mas malaki ang pinagbago ng underpas ngayon.


Inilarawan ni Manila City Mayor Francisco Isko Moreno Domagoso na sa pagdaan ng mga tao sa bagong underpass ay sasalubong sa mga ito ang magkabilaang vertical gardens.

Ang mga hagdanan at mga dingding ay may disenyo ng mga sining, murals at information map ng mga pila ng mga jeepney sa siyudad ng Manila at digital information kiosk na gagabay sa mga turista o sa  mga bisita.

Kung dati rati naging makitid ang mga daanan sa under pass dahil sa mga vendors ngayon ay tanging mini bookstore na nagbebenta ng secondhand   na libro na lamang ang mananatili.


Ayon pa sa alkalde ang bagong renovated na under pass ay nagtataglay ng security cameras at round- the -clock personnel na magbibigay siguridad sa mga dumadaan.

Iniutos din ni yorme kay City Engineer Armand Andres na non-skid tiles ang gagamitin sa flooring para hindi madudulas ang mga dadaan lalo na ngayong panahon ng tag-ulan.

Pati na rin ang mga kisame ay naayos na habang nasa loob na rin ang mga vertical wall gardens.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *