daloy ng trapiko
Metro

Mas mabagal na daloy ng trapiko sa EDSA, asahan hanggang sa Disyembre

ASAHAN na ang pinakamabagal na daloy ng trapiko sa kahabaan ng EDSA sa Metro Manila hanggang sa pagdating ng buwan ng Disyembre.

Ito ang mismong kinumpirma ng MMDA dahil sa pagdami ng bilang ng sasakyan sa mga pangunahing lansangan sa Kalakhang Maynila.

Ayon sa datos ng ahensiya, taong 2018 ay nakapagtala ang MMDA ng 19.57 kph average speed ng mga sasakyan sa kahabaan ng EDSA hanggang buwan ng Disyembre.

Pero ayon kay MMDA Spokesperson Celine Pialago,  ngayon palang, naitala na ng ahensiya ang 19.30 kph average speed ng mga sasakyan dahil sa matinding trapiko sa EDSA kung saan wala pa sa kalahating taon ay halos malagpasan na nito ang pinakamabagal na usad ng sasakyan sa Metro Manila noong nakaraang taon.

Ayon pa sa MMDA, bunga ito ng mataas na bilang ng mga sasakyan kung saan nalagpasan din nito ang average volume ng sasakyan kada araw mula 200 thousand ngayon ay nasa mahigit 300 thousand na sasakyan ang bumabaybay sa kahabaan ng EDSA.

Kaugnay nito personal na humingi ng paumanhin ang mga opisyal ng MMDA sa posibleng paglobo pa ng mga sasakyan ngayong paparating na holiday season kasabay ng pangako na patuloy ang kanilang gagawing pagbabantay para masawata ang problema sa trapiko gaya ng vehicular incidents, hindi paggamit ng walkways,  at tamang pagsunod sa traffic rules

Ayon naman kay mmda traffic czar Bong Nebrija,  posibleng magkaroon ng matinding shift ng transportation mode ang punbliko mula sa pribadong sasakyan hanggang sa paggamit ng motorsiklo para iwasan ang problema ng trapiko sa bansa.

POL MONTIBON

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *