Martial Law
National

Martial Law, maiiwasan kung may sapat na tropa ang gobyerno

MAIIWASAN ang Martial Law kung sapat ang deployment ng karagdagang tropa ng gobyerno sa iba’t ibang lalawigan sa bansa.

Ito ang sagot ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin sa pahayag ni Vice President Leni Robredo.

Ayon kay Robredo na dapat tiyakin ng gobyerno na hindi magreresulta sa batas militar ang pagpapadala ng pwersa sa ilang bahagi ng bansa.

Giit ni Locsin, wala ng magiging dahilan para sa Martial Law.

Kung aniya ay masusugpo hanggang tuluyang matuldukan ng mas maraming tropa ng pamahalaan ang lawless violence sa ilang parte ng Pilipinas.

Magugunitang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang deployment ng supplementary state forces.

Sa mga lugar ng Samar, Negros Oriental, Negros Occidental at Bicol Region para mapigilan ang karahasan sa mga nabanggit na lugar.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *