Markus Paterson, hindi pinalampas ang nambabash sa anak

Markus Paterson, hindi pinalampas ang nambabash sa anak

HINDI pinalampas ng aktor na si Markus Paterson ang mga walang pusong nanlalait sa anak nila ni Janella Salvador.

Kahapon, Abril a-syete nang mag-react sina Janella at Markus sa pamba-bash ng isang netizen sa kanilang baby boy na si Jude Trevor na 5-month-old pa lamang.

“TIGILAN nyo na ang anak ko.”  ani Markus.

Komento nang isang netizen na di umanoy nanlait sa kanilang anak,

“Jusko po panginoong mahabagin bat ganyan ang mukha ng batang yan.”  Agad namang nanghingi nang tawad ang nagkomento pero dagdag ni Markus,

“If you weren’t caught would you have been sorry?”

Ani Markus, sanay na sila sa mga masasakit na salita na natatanggap nila, pero ngayon ay hindi na niya palalampasin ang pang-aalipusta sa walang kamalay-malay na anak niya.

Samantala, binantaan at hindi pinalampas sa pahayag ni Markus sa mga bashers at sinabing ,

Markus Paterson official Twitter post
Markus Paterson official Twitter post

“Maybe one day i can check on you all, since i have your names.”

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *