ikalawang alarma
Metro

Marikina River, itinaas na sa ikalawang alarma

Itinaas na ngayon sa ikalawang alarma ang alerto sa Marikina River.

Ito ay matapos na umabot sa 16 meters ang antas ng tubig sa ilog bunsod ng patuloy na nararanasang pag-ulan.

Dahil nasa ikalawang alarma na ang antas ng tubig sa naturang ilog, inatasan na ngayon ang Rescue 161 ng Marikina na magsagawa ng preemptive evacuation.

Oras naman na umabot sa ikatlong alarma ang level ng tubig ay puwersahan ng ililikas ng Marikina LGU ang mga apektadong residente.

Sa ngayon, patuloy pa ring binabantayan ang level ng tubig ng Marikina River.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *