Maria Ressa, umapela sa mababang hukuman kaugnay sa cyber libel case

Maria Ressa, umapela sa mababang hukuman kaugnay sa cyber libel case

PORMAL nang naghain ng kanilang motion for partial reconsideration sina Rappler Chief Executive Officer Maria Ressa at dating Rappler researcher-writer Reynaldo Santos kaugnay sa naging hatol sa kanila ng mababang korte para sa kasong cyber libel.

 

Sa 132 na pahinang mosyon na isinumite sa Manila Regional Trial Court Branch 46 ay umapela sina Ressa at Santos kay Judge Rainelsa Estacio-Montesa na irekonsidera ang hatol sa kanila.

 

Hindi naman personal na naihain ang apela dahil nananatiling naka-lockdown ang Manila RTC kaya ang mosyon ay ipinadala na lamang sa pamamagitan ng email.

 

Iginiit sa apela ang 13 argumento na sinasabing may mga errors o pagkakamali sa naging hatol na guilty na ipinataw ni Judge Montesa noong June 15.

 

Nahaharap sina Ressa at Santos sa pagkakakulong na mula 6 na buwan hanggang isang taon, at pinagbabayad pa ng P400, 000 danyos.

 

Gayunman ay agad na naglagak ng piyansa si Ressa kaya pansamantala siyang malaya.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *