pinasalamatan
Sports

Manny Pacquiao, pinasalamatan ang mga nakasama sa loob ng 25 taon niya sa boxing

PINASALAMATAN ni Filipino boxing champion Manny Pacquiao ang lahat ng kaniyang mga nakasama sa kaniyang boxing career.

Ginawa ito ng Pinoy ring icon kasabay ng pagdiriwang ng kaniyang ika-dalawampu’t limang taon bilang professional boxer.

Sa kaniyang social media post, sinabi nito na hindi niya mararating ang pagiging professional boxer kung walang tulong mula sa kaniyang pamilya.

Sinabi ng 41-anyos na boxer na malaking pagbabago ang dinala sa buhay nito ang pagboboksing.

Kasama din sa pinasalamatan nito ang kaniyang coach at team Pacquiao dahil sa walang pagod para maging magaling na boksingero.

Nagsimula ang kaniyang boxing career noong Enero 22, 1995.

 

SMNI NEWS 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *