Manlalaro ng Hong Kong sa larangan ng Fencing, nagwagi ng gintong medalya sa Tokyo Olympics

Manlalaro ng Hong Kong sa larangan ng Fencing, nagwagi ng gintong medalya sa Tokyo Olympics

NAGWAGI ng gold medal sa Tokyo Olympics ang manlalaro ng Hong Kong sa larangan ng fencing.

Nagtapos ang male fencer na si Edgar Cheung Ka-Long ng  iskor na 15-11 laban sa Italya dahilan para makamit ang pangalawang gold medal sa kasaysayan ng Hong Kong.

Gumawa ng kasaysayan si Cheung matapos magwagi ng gold medal sa individual foil event laban sa kampeon sa Olympics mula sa Italya na si Daniele Gorozzo.

Nagtapos ang iskor sa 15-11 na naging kauna-unahang panalo nito sa Olympics ngayong taon sa foil fencing gold at pangalawang gintong medalya.

Nakaharap ng 24 taong gulang na gold medalist sa 2016 Olympics sa Rio de Janeiro na si Daniele Gorozzo na nagawang makaiwas sa mga atake at umiskor ng apat na magkakasunod na puntos na humantong sa 4-1.

Ngunit nanatiling kalmado ang manlalaro ng Hong Kong kasunod nito ay gumawa na ito ng  sunod-sunod na pag-atake at nagtala ng limang tuwid na puntos upang bawiin ang naunang iskor ng Italyano.

Matapos ang  mabilis na pag-atake,  nagwagi si Cheung laban  sa  Italyanong manlalaro kung saan naging kauna-unahang fencer ito na nakaagaw ng ginto sa Olympic games sa kanyang pangalawang paglahok sa palaro.

Matapos ang laban, sinabi ni Cheung na nasasabik at hindi siya makapaniwalang nanalo  ng pangalawang gold medal sa kasaysayan ng Hong Kong.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *