produksyon ng tubig
Business Metro

Manila Water, magbabawas ng produksyon ng tubig

MULING babawasan ang produksyon ng tubig ng Manila Water dahil sa patuloy na pagbaba ng lebel ng tubig sa Angat Dam at Ipo Dam.

Sa abiso ng Manila Water, sinabi nitong dahil sa pagbaba ng water level sa dalawang dam ay kailangan nilang buksan ang low-level outlet ng Angat Dam upang makapagdagdag ng suplay.

Pero ang pagbubukas aniya ng naturang outlet ay maaaring magresulta sa mababang kalidad ng tubig na naipoproseso sa filter plants ng Manila Water.

Sa pagbabawas ng suplay at produksyon ng tubig, apektado ang mga customer sa Metro Manila at Rizal.

Samantala, hanggang sa ngayon ay marami pa ring lugar sa Metro Manila at Rizal ang hindi pa regular ang suplay ng tubig.

Ilang barangay rin ang nakararanas ng pagkawala ng suplay ng tubig at hindi pa bumabalik sa normal ang lakas ng pressure ng tubig.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *