Manila North Cemetery, nagpatupad na rin ng paghihigpit ngayong papalapit na ang undas

Manila North Cemetery, nagpatupad na rin ng paghihigpit ngayong papalapit na ang undas

NAGPATUPAD na rin ng paghihigpit ang Manila North Cemetery (MNC) ngayong papalapit na ang undas sa mga dadalaw sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay.

Kahit wala pang guidelines na inilalabas ang Inter Agency Task Force ay nagkaroon na rin ng paghihigpit ang Manila City government sa mga dumadalaw para sa nalalapit na undas sa Manila North Cemetery.

Dahil pa rin sa pananalasa ng COVID-19 pandemic simula ngayong Oktubre 1 ay nagsimula na muling buksan ng Manila North Cemetery sa limitadong oras at tao lamang.

Sa panayam ng SMNI news team kay Jimmy Lee ang admin staff ng naturang sementeryo, bukas ang  sementeryo sa mga dadalaw mula 8:00 ng umaga hangang 5:00 ng hapon Lunes hangang Linggo.

Gayunpaman, tiniyak din ni Lee na bukas pa rin ang serbisyo ng sementeryo para sa libing at cremation.

Matatandaan una na rin sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, inaasahang magiging kabilang sa mga susunod na pag-uusapan ng IATF ang mga ipatutupad na guidelines para sa nalalapit na undas.

Kung saan siya aniya mismo ang magpro-propose ng naturang usapin sa susunod na IATF meeting sa Huwebes.

Sinabi pa ni Roque na importanteng malaman na ng publiko nang maaga ang mga iimplementang patakaran sa paggunita ng undas sa harap pa rin ng patuloy na banta ng COVID-19.

Samantala, pinapayagan ang dalaw simula Oct.1-29 pero sa Nov.1 ay sarado na ang naturang sementeryo.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *