Manila Mayor Isko Moreno
National

Manila Mayor Isko Moreno, nagpasalamat sa papuri sa kanya ng pangulo

NAGPASALAMAT si Manila Mayor Isko Moreno kay Pangulong Rodrigo Duterte matapos siya nitong purihin dahil kanyang ginagawang aksyon para linisin ang lungsod.

Sa isang statement, inamin ni Moreno na isa ang pangulo sa mga naging inspirasyon niya sa kung ano mang klase ng liderato mayroon siya ngayon.

Ayon kay Moreno, kinuha niya ang kanyang pamumuno mula sa paraan ng pamalalakad ni Pang. Duterte sa Davao City ng ilang dekada kung saan mahigpit na ipinatutupad ang mga batas.

Kwento pa ng alkalde na tuwing nasa Davao siya ay takot na takot siyang manigarilyo dahil alam niyang huhulihin siya.

Naniniwala rin si Moreno na ano man ang nakikitang pagpupursige ng mga alkalde sa buong Pilipinas ay reflection lamang ng klase ng liderato at pangulo na meron ang bansa.

Kaya aniya utang na loob nila ito sa pangulo para sa pagbibigay inspirasyon at pagiging mabuting halimbawa sa kanilang lahat.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *