Manila LGU, target na mamahagi ng karagdagang 500,000 face mask

Manila LGU, target na mamahagi ng karagdagang 500,000 face mask

MATAPOS mamahagi ng isang milyong face mask  ng Manila City government sa mga Manilenyo, target naman ngayon ng lunsod na magdagdag pa ng 500,000 face mask.

Sa programang ito na- hire ang Manila LGU ng 305 na mananahi, 10 master tailor, 7 jeepney drivers na maghahatid sundo sa mga mananahi at cutters.

Ayon kay Public Employment Service Office  (PESO) Director  Fernan Bermejo binabayaran ang mga mananahi ng apat na piso sa bawat face mask  na nabubuo  ng mga ito kung saan kumpleto na ng mga materials at sewing machine  galing sa Manila LGU.

Ginagawa ang face mask ng mga mananahi sa Universidad de Manila at ilan sa mga class room doon  ay ipinapagamit.

Sa ilalim ng Mask Sewing Livelihood Program matatandaan sinimulan ang programang ito nito lamang June 15 2020 sa kasagsagan ng Modified Enhanced Community Quarantine.

Ginawa ang inisyatibong ito ni Manila City Mayor Isko Moreno upang mabigyan ang  mga mamamayan ng lungsod ng face mask  na walang sapat na pambili habang nabibigyan din ng mapagkakakitaan ang mga mananahi, cutters at jeepney drivers na nawalan ng trabaho dulot ng pandemya.

Ipinaliwanag din ni Bermejo na ang ginamit na pondo para sa naturang proyekto ay mula sa mga cash donation na natatanggap ng city government mula sa mga donors sa Manila at  sa abroad na hangarin tumulong laban sa COVID -19.

Ang idea yang ito ay kinopya ni Moreno mula sa bansang Czechoslovakia matapos ang pag-aaral  na   epetikbo  ang pagsusuot ng face mask na naging sanhi ng pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa naturang bansa.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *