Manila LGU, nagsagawa ng vaccination simulation exercise sa senior citizens

Manila LGU, nagsagawa ng vaccination simulation exercise sa senior citizens

NAGSAGAWA ng vaccination simulation exercise ngayong araw ang lokal na pamahalaan ng Maynila para sa senior citizens.

Nasa 100 senior citizens ang nakilahok sa naturang aktibidad na isinagawa sa Legarda Elementary School sa Sampaloc, Maynila.

Ayon kay Manila City Health Officer Dr. Arnold Pangan, layon ng simulation exercise na maipaabot sa matatanda na prayoridad ang kanilang sector sa mga makatatanggap ng COVID-19 vaccines.

Sinabi rin ni Pangan na sa pamamagitan ng nasabing aktibidad ay agad nilang matutugunan ang mga matutukoy na magiging isyu sa vaccination program.

Sinabi ng Manila Health Department na sa mahigit 157,000 na senior citizens sa lungsod, hindi lahat ay desididong magpabakuna.

SMNI NEWS

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *