Manila Japanese School sa Taguig City, sinimulan na ang pilot face-to-face classes

Manila Japanese School sa Taguig City, sinimulan na ang pilot face-to-face classes

SINIMULAN na nang Manila Japanese School (MJS) sa Taguig City ang pilot face-to-face classes ngayong Biyernes, November 26.

Nasa limampu’t isang Japanese students mula Grade 1 hanggang Grade 3 ang pumasok sa unang araw ng klase.

Mahigpit na ipinatutupad ng Manila Japanese School ang health protocols ng naturang eskwelahan tulad na lamang ng paglalagay ng mga air purifiers kada classroom, pagsunod ng social distancing, pagsuot ng facemask at paglalagay ng mga alcohol.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *