Mandatoryong pagbabakuna, isinusulong ng Malaysia

Mandatoryong pagbabakuna, isinusulong ng Malaysia

INANUNSYO ng Health ministry ng Malaysia na gagawin nang mandatoryo ang pagbabakuna sa bawat sektor sa buong bansa.

Hinihimok ni Health minister Khairy Jamaluddin na gagawin nang mandatoryo ang pagbabakuna sa lahat ng sektor ng bansa.

Kamakailan lamang ay matatandaan na nagkomento ang Human Resources Minister na si M Saravanan, sa pagkakaroon ng karapatan ng mga employer na mapabakunahan ang kanilang mga manggagawa sa ilalim ng Occupational Safety and Health (OSH) act 1994.

“As I said last week, we are not calling yet for federally-mandated vaccinations,”ayon kay Human Resources Minister M Saravanan.

“But if there are sectoral mandates that are to be implemented and they do not go against the law, by all means do so. We encourage that,”dagdag nito.

Subalit ang bagay na ito ay hindi sinang ayunan ng Health minister.

Aniya, walang legal na probisyon upang maging mandatoryo ang bakuna kontra COVID-19 subalit maari pa ring ipatupad ang OSH act 1994 kung hindi ligtas ang isang lugar sa pandemya.

“We cannot take action if we see someone is not vaccinated. But we can take action because the place is not safe in terms of the environment,”ayon kay M Saravanan.

Isang halimbawa na lamang ng sectoral vaccination na tinutukoy ni Khairy ay ang desisyon ng gobyerno sa Sabah na gawing mandatoryo ang pagbabakuna.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *