National

Mandatory payment ng swab test sa mga non -OFWs sa NAIA, sinimulan na

WoodProfit

MANDATORY na ang pagbabayad ng swab test sa non-overseas Filipino workers (OFWs) na dumarating sa Ninoy Aquino International Airport epektibo nakaraang Lunes, Hulyo 27.

Sa panayam kay Connie Bungag, spokesperson ng Manila International Airport Authority o MIAA, pinayagan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang dalawang private testing center na magsagawa ng test para sa mga returning overseas Filipino sa NAIA terminals.

“Meron na po tayong dalawang private testing center na nagco-conduct ng testing para doon  sa mga non-OFW, nagsimula po sila noong Lunes as ongoing yung kanilang operation .Ito po ay may pahintulot naman ng National Task Force on COVID at ang singil po nila ay P4,500 per passenger.  So, lahat po ng mga arrivals natin na hindi po sila OFW ay doon na po sila dapat mag pa-swab according to the One-Stop-Shop po,” ayon kay Bungag.

Sa halagang P4, 500 nasa dalawang araw agad makukuha ang resulta ng test.

PHOTO JOB

Matatandaan nito lamang buwan ng Mayo nang sinimulan ang mandatory swab test na libreng binibigay ng gobyerno sa lahat ng mga dumarating na pasahero sa NAIA , OFW man o hindi.

Naglalagay ang Overseas Workers Welfare Administration o OWWA ng quarantine facility para sa mga umuuwing OFWs habang ang PhilHealth ang nagbabayad ng RT-PCR Test sa mga ito.

Kapag ang isang indibidwal ay nagnegatibo sa resulta ng test bibigyan ito ng health certificate o quarantine certificate upang payagan na makaalis sa hotels at ito rin ang opisyal na dokumentong ipapakita sa mga terminal, paliparan at LGUs.

Samantala,  ang Bureau of Quarantine naman ang may hurisdiksyon para sa mga nagpositibo sa swab test.

Para sa non-OFWs pinapayuhan ang mga ito na agad nang mag-book ng kanilang mga hotel na matutuluyan bago umuwi sa Pilipinas.

May mga opsyon pa rin naman ang mga non-OFW na mabibigyan ng libreng swab test kung wala itong mga pambayad ngunit tatagal pa ng pitong araw  sa hotel bago mailabas ang resulta ng swab test.

SMNI NEWS

Genius Dog 336 x 280 - Animated

Tags

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back to top button
Close