Mandatory group insurance
National

Mandatory group insurance para sa lahat ng mga construction workers, isinusulong

IGINIIT ng isang mambabatas ang pagkakaroon ng mandatory group insurance para sa lahat ng mga construction workers.

Sa panayam ng SMNI News kay Construction Workers Solidarity Party-List Rep. Romeo Momo, inihain na niya ang House Bill 2479 o ang Construction Workers Insurance Act sa 18th Congress.

Ani Momo, dapat na otomatikong mabigyan ng group insurance ang mga construction worker pagkatanggap nito sa trabaho.

“So sa ngayon, hindi pa kasi ito nagiging mandatory wala pang batas na ganito, so ipinasa natin ito para atleast mandatory na sa lahat ng mga construction companies, or owners of a projects. Be it private or public mayroon silang group insurance sa lahat ng mga trabahante,” pahayag ni Cong. Momo.

Sa ngayon ay mababa pa umano ang kompensasyon kung saan nasa P100K ang death insurance, P75K ang permanent disability, at P30K ang para sa burial.

Samantala, ani Momo dapat ay tuloy-tuloy ang skills training ng mga construction workers dahil dito umano nagdedepende ang antas ng sahod ng mga ito.

“‘Pag nag-hire ka ng mga karpentero doon. Itatanong pa sa ‘yo kung anong karpentero ang kailangan mo o kung anong expertise ng karpentero na ‘yan. Halimbawa nasa finishing na nga siya o naglalagay siya ng mga window diyan, mga doors, windows doon ‘yan ang trabaho niya. Kung halimbawa nga gumagawa ka ng mga cabinets ng lahat ng mga kuwarto ng bahay mo, doon lang sila. Hindi katulad sa atin na medyo jack of all trades tayo,” aniya pa.

Maliban dito, sinabi ni Momo na malaki rin ang budget na inilalaan ng pamahalaan para sa mga infrastucture projects o Build Build Build Program kaya malaking pagkakataon ito para sa mga construction workers.

Napag-alaman na kasalukuyang nasa apat na milyon ang mga Pinoy construction workers dito sa Pilipinas at maging sa ibang bansa.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *