Mandatory face-to-face classes, mahirap irekomenda— NTF

Mandatory face-to-face classes, mahirap irekomenda— NTF

MAHIRAP irekomenda na maging mandatory ang face-to-face classes sa bansa.

Ito ang sinabi ni National Task Force (NTF) on COVID-19 adviser Dr. Ted Herbosa sa panayam ng Sonshine Radio.

Ani Herbosa, ito ay dahil hindi pa lahat na estudyante ay maaaring mababakunahan.

Gayunman, kung mandatory na maibabalik muli ang face-to-face classes, iginiit ni Herbosa na sana ay nasa 90% na sa mga personnel, guro at mga estudyante sa mga paaralan ay bakunado na kontra COVID-19.

Samantala, umaasa naman si Herbosa na hindi pamumulitika ang vaccination program ng pamahalaan.

Sana rin aniya ay mabilis na kumikilos ang mga lokal na pamahalaan pagdating ng mga bakuna sa kanilang lugar.

Ani Herbosa, ito ay dahil sa mga napaulat na may ilang bakuna ang natetengga lang sa mga LGU.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *