Malik Beasley, ng Timberwolves, banned ng 12 games sa NBA dahil sa pambabanta

Malik Beasley, ng Timberwolves, banned ng 12 games sa NBA dahil sa pambabanta

PINATAWAN ng NBA si Malik Beasley ng Minnesota Timberwolves ng 12-game ban matapos itong kasuhan ng isang police dahil sa pambabanta nito sa isang indibidwal.

Magsisimula ang suspensyon ni Beasley sa Biyernes kung saan makakaharap ng Timberwolves ang Washington Wizards.

Ayon sa pahayag ng NBA, sinuspinde ng liga si Beasley ng 12 na laro nang walang bayad dahil sa pagiging guilty nito sa felony charge na ipinataw sa kanya dahil sa pambabanta sa isang indibidwal na labag naman sa batas ng Minnesota.

Nagmula ang kaso ni Beasley dahil sa pagtutok nito ng baril sa isang mag-asawa at anak nito sa kanyang bahay sa Plymouth, Minnesota noong nakaraang taon.

Humingi naman ng tawad si Beasley sa kanyang naging aksyon at sinabing gagamitin niya ang oras na ito upang pag-isipan ang kanyang naging mga desisyon.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *