Domeng
National Uncategorized

Maliit na bilang ng casualty sa Bagyong Domeng, naitala ng NDRRMC

Batay sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), isang fatality case ang naitala ng kanilang ahensiya sa gitna ng pananalasa ng tropical cyclone Domeng sa bansa.

Nakilala ang biktima na si Algemon Dalisam Nunez na natagpuang wala nang buhay sa baybayin ng Brgy. Corong-Corong sa El Nido Palawan.  Ayon sa report, naanod ng isang malakas na alon si Algemon habang nagji-jetski.

Ayon kay NDRRMC Spokesperson Director Ed Posadas, itinuring pa ring matagumpay ng kanilang ahensiya ang paghahandang ginawa ng mga lgu’s kaugnay sa nasabing bagyo para magtala ng mababang bilang ng casualty sa anumang kalamidad na papasok sa bansa.

Giit pa ni posadas, nananatiling target pa rin nila ang zero casualty sa buong bansa bagamat hindi maiiwasan ang mga kaso ng flash flood at landslide sa mga calamity prone areas.

Paalala ng kinauukulan na palagiang makipag-ugnayan sa kanilang mga lokal na pamahalaan upang agad na maaksyunan ang problema pagdating ng isang kalamidad.

Samantala, aminado ang NDRRMC na hanggang ngayon ay nangangailangan pa rin sila ng karagdagang kagamitan, tauhan at pasilidad para sa mas epektibong paghahatid ng kanilang serbisyo lalo pa’t buhay ang isa sa mga tinutututkan nila dito.

Ayon pa kay Posadas, nasa pitong bilyong piso (P7-B) lang ang budget ng kanilang ahensiya sa isang taong operasyon nila sa buong bansa.

 

Pol Montibon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *