Lee Chong Wei
Sports

Malaysian badminton king Lee Chong Wei, nagretiro na

TULUYAN nang iiwan ng Malaysian at former world number one na si Lee Chong Wei ang mundo ng badminton.

Inanunsyo ng badminton king ang kaniyang retirement kahapon kasunod ng pakikipaglaban nito sa kaniyang sakit na cancer.

Matatandaang tumigil sa paglalaro ang three-time Olympic silver medalist noong nakaraang taon matapos ma-diagnose na mayroon siyang nose cancer.

Kung babalikan, unang naging world number one player si Chong noong 2006.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *