Malaysia, planong kumuha ng bagong nasyonalidad na papapasukin sa security sector

Malaysia, planong kumuha ng bagong nasyonalidad na papapasukin sa security sector

PLANO ng Malaysia na kumuha ng bagong nasyonalidad na papapasukin sa security sector.

Ayon kay Home Affairs Minister Datuk Hamzah Zainuddin, ang naturang usapin ay pag-aaralan pa bago pormal na gumawa ng desisyon at ang mga talakayan ay gagawin sa mga stakeholder upang matiyak na walang mga problemang lilitaw sa hinaharap.

Sa kasalukuyan, tanging Nepalese lamang ang pinapayagang maglingkod sa security sector sa Malaysia.

Ibinunyag ni Hamzah na may kabuuang 66 na kumpanya ng security service ang binawi ang kanilang mga lisensya mula noong 2014 dahil sa kakulangan ng security screening, maling paggamit ng mga baril at pagkuha ng mga iligal na imigrante.

Hinikayat ni zainuddin ang mga security service company na i-renew ang kanilang mga lisensya  bago ang Disyembre 31 upang maiwasan ang anumang aksyon laban sa kanila.

Sinabi rin ni Hamzah na ang kagawaran ay magtatatag ng isang academic learning sa industriya ng security services upang bigyang-daan ang mga security guard na makatanggap ng pangunahing pagsasanay.

Sa huli, sinabi ng kagawaran na makikipagtulungan ang nasabing akademya sa mga ahensya tulad ng People Volunteer Cor o Rela at Malaysia Immigration Department.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *