Malaysia, papasok na sa endemic stage sa susunod na linggo

Malaysia, papasok na sa endemic stage sa susunod na linggo

PAPASOK na ang bansang Malaysia sa endemic stage sa susunod na linggo.

Inanunsyo ng Director General ng Ministry of Health sa Malaysia na si Tan Sri Dr. Noor Hisham Abdullah  na lilipat na sa endemic stage ang buong bansa sa susunod na linggo.

Sa pagpapatuloy ng interstate at overseas travel ay unti-unti nang luluwagan ang mga restriksyon.

Pinayuhan ni Dr Noor Hisham ang publiko na mag –ingat sakaling magsimula na ang endemic sa bansa, humihiling rin siya ng pang-unawa sa mamamayan na hindi na maibabalik sa dati ang lahat.

Ang mga negosyo ay naghahanda narin sa nalalapit na paglipat sa endemic stage ng bansa.

Samantala, nangako ang mga business stakeholder na susunod ito sa lahat ng SOP na ipinapatupad ng gobyerno upang maging maayos ang takbo ng kanilang mga negosyo.

Dagdag nito, inaasahan rin na maraming tao ang magbibiyahe pauwi sa kanilang mga bayan sa mga susunod na linggo.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *