road clearing
Metro

Malapit nang matapos ng 17 LGUs sa MM ang clearing operations –DILG

INANUNSIYO ng Department of the Interior and Local Government o LGUs na halos matatapos na ng 17 local government units sa Metro Manila ang kanilang isinasagawang clearing operation sa kanilang nasasakupan bago matapos ang 60 days na deadline.

Ayon kay DILG, naalis sa lansangan sa Kamaynilaan ang nasa 1,444 illegal vendors, 49 terminals at 813 obstruction.

Sa ngayon, nasa kabuuang 139,959 meters ng kalsada at 52,831 meters ng sidewalk ang naibalik na sa publiko na tinanggalan ng obstruction at illegal structures na ipinatayo sa mga lansangan.

Matatandaang binigyan ng direktiba ang lahat ng mga local chief executive na linisin at ibalik sa publiko ang mga kalsada na ginagawang private property.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *