Malaking rollback sa presyo ng petrolyo, ipatutupad

Malaking rollback sa presyo ng petrolyo, ipatutupad

MAGPATUTUPAD ng mas malaking rollback sa presyo ng petrolyo ang ilan pang kompanya ng langis.

Sa abiso ng kompanya ng Petron, may bawas na P4 sa kada litro ng kanilang gasolina at diesel habang P4.50 ang bawas sa kada litro ng kerosene.

Epektibo ang rollback bukas ng 6:00 ng umaga ng Martes.

Una nang nagpatupad ng rollback noong nakalipas na Biyernes ang Phoenix Petroleum Philippines sa gasolina at diesel ng P3 kada litro.

Gayunman, muling magpatutupad ng karagdagang bawas-presyo ang Phoenix Petroleum na P1.25 sa kada litro ng gasolina at diesel simula bukas ng 6:00 ng umaga.

Dahil dito, aabot nasa P4.25 ang kabuuang rollback ng kumpanya.

Ito ang kauna-unahang super bigtime rollback na ipinatupad ng mga kompanya ng langis sa kanilang mga produktong petrolyo ngayong 2020.

Inaasahang magpapatupad din ng rollback ang iba pang kompanya ng langis.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *