Disaster Resilience
National

Malaking bahagi ng 2020 budget, mapupunta sa social at economic services -Romualdez

TINIYAK ni House Majority Leader Martin Romualdez na pinakamalaking bahagi ng 2020 budget ay mapupunta sa social at economic services.

Sinabi ito ni Romualdez kasunod ng pulong kagabi sa harap ng 44 members ng Visayan bloc kung saan kabilang din ang mambabatas.

Pagtitiyak ni Romualdez, ang social at economic services ang higit na pagtutuunang pansin sa paglalaan ng pondo para sa susunod na taon para matugunan ang benepisyo at pangangailangan ng mga mahihirap na kababayan.

Siniguro din ng kongresista ang epektibong paggamit at tapat na paggasta sa pambansang pondo na mapapakinabangan ng publiko.

Nasa P4.1 trillion naman ang pambansang pondo sa 2020 na paghahati-hatian ng lahat ng line agencies sa bansa.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *