Malakawakang pagbaha, nararanasan ngayon sa Thailand

Malakawakang pagbaha, nararanasan ngayon sa Thailand

NARARANASAN ngayon sa Thailand ang malawakang pagbaha sa iilang bahagi ng lugar nito.

Nagpahayag ang pamahalaan ng Thailand na lubhang apektado ang capital city nito na Bangkok sa nangyaring malawakang pagbaha sa bansa.

Nitong nakaraang linggo walong katao ang nasawi at isang babae ang nawawala matapos ang nangyaring pagbaha na siyang nakaapekto sa kabuhayan ng libu-libong pamilya kasama riyan ang 77 probinsya sa bansa.

Ayon sa Department of Disaster Prevention and Mitigation 14 na probinsya sa hilaga at hilagang silangan ang lubhang naapektuhan ng malawakang pagbaha.

Samantala, nitong nakaraang buwan lang ay napilitang magpakawala ng maraming tubig ang mga dams at reservoirs sa central region ng Thailand na siyang dahilan rin umano ng pagtaas ng lebel ng pagbaha.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *