Malakanyang
National

Malakanyang, nagpaabot ng pagbati kay Manny Pacquiao

NAGPAABOT ng pagbati ang Malakanyang kay Sen. Manny Pacquiao matapos manalo sa laban kontra kay American Boxer Keith Thurman via split decision.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na ang panalo ni Pacquiao ay tagumpay ng buong bansa.

Ayon kay Panelo, nagpapasalamat ang sambayanang Pilipino dahil muling binigyan ng karangalan ni Pacquiao ang bandila ng bansa.

Aniya, ang pagkapanalo ni Pacquiao ay nagbigay ng pagkakataon para pagkaisahin ang mga Pilipino sa buong mundo dahil sa naipamalas ulit nito ang kanyang angking athleticism, power at Filipino pride.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *