National

Malakanyang, minaliit ang banat ni Trillanes sa umano’y tagong yaman ng pangulo

BINALEWALA ng Malakanyang ang akusasyon ni Senador Antonio Trillanes IV sa umano’y mga tagong yaman ni Pangulong Rodrigo Duterte at pamilya nito.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, lumang akusasyon na ang ipinupukol ni Trillanes kay Duterte.

Matatandaan na inakusahan noon ni Trillanes ang pangulo na umano’y may mahigit P1 billion halaga itong tagong yaman.

Kaugnay nito, maghahain si Trillanes ng resolusyon sa Senado para imbestigahan ang mga bank documents na bank transaksyon ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na higit sa P550,000 ang halaga.

Iginiit ni Trillanes na posibleng paglabag ito sa Anti-Money Laundering Act.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *