Malakanyang kampanteng maipapasa ng Kongreso ang priority bills ni PRRD bago matapos ang 2021

Malakanyang kampanteng maipapasa ng Kongreso ang priority bills ni PRRD bago matapos ang 2021

KAMPANTE ang Malakanyang na ipapasa ng Kongreso ang priority bills ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kahit pa na papalapit na ang eleksyon.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque,naging maayos ang relasyon ng Kongreso at ni Pangulong Duterte kaya naman kumbinsido ito na maipapasa ng urgent ng Kongreso ang mga priority bills ng Pangulo.

Binigyang diin din ni Secretary Roque na kailangan maipasa ang mga naturang hakbang sa lalong madaling panahon lalo pa’t magiging abala na ang mga mambabatas sa pulitika.

Umaasa ang tagapagsalita ng Pangulo na agad magsagawa ng pagdinig at ipasa agad ng Kongreso bago matapos ang taon.

Una nang hinimok ni Pangulong Duterte ang mga mambabatas na agad ipasa ang panukalang batas na nagbabago sa Public Service Act, Retail Trade Liberalization Act, at Foreign Investments Act upang sumigla ang ekonomiya ng bansa na apektado ng COVID-19 health crisis.

 

SMNI NEWS