comedy show
National

Malakanyang inalmahan ang isang comedy show ng Netflix

BINATIKOS ng Palasyo ang Patriot Act, isang American comedy show na inilabas sa online streaming platform na Netflix.

Pinagbibidahan ito ng komendyante at political commentator na si Hasan Minaj.

Sa episode nito na umere isang araw bago ang halalan sa Pilipinas ay inalmahan ng Malakanyang ang pambabatikos na ginawa nito laban kay Pangulong Rodrigo Duterte, war on drugs at ilang senatorial bets na pambato ng administrasyon.

Ayon kay Communications Secretary Martin Andanar, maituturing itong isang desperadong hakbang ng mga kalaban ng chief executive ang pagpapalabas ng show na layuning palabasing autocratic ang istilo ng pamumuno ng pangulo na kadalasan ay dinadaan sa pagpatay ang kampanya nito sa iligal na droga.

Para kay Andanar malisyoso ang nais palabasahin ng American comedy show na nagpalabas ng exksahiradong datos ng mga namatay sa drug war ng pamahalaan at sinasabing umabot na sa 27,000.

Sa tingin ni Andanar paninira ang motibo ng ng show na ang target ay siraan ang kampanya ng pamahalaan kontra illegal drugs.

Binigyang diin ng Communications Secretary na pito sa sampung Pilipino ang nagsabing seryoso ang Duterte administration na resolbahin ang kaso ng mga pagpatay sa bansa.

Base sa pigura ng PNP, marami sa mga naitala ng pagpatay na iniuugnay sa droga ay kagagawan ng mga vigilante at magkaka-away na sindikato ng droga.

HANNAH JANE SANCHO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *