National

Malakanyang, hinikayat ang mga pulis na isabuhay ang integridad at giting ng SAF-44

HINDI umano titigil si Pangulong Rodrigo Duterte hangga’t hindi nakakamtan ang hustisya na hinihingi ng mga naulila ng tinaguriang SAF-44.
Ito ang tiniyak ng Malakanyang kasabay sa pagunita ng ikatlong anibersaryo ng madugong Mamasapano encounter na ikinasawi ng apatnapu’t apat na miyembro ng PNP-Special Action Force.
Noong nakaraang taon ay idineklara ni Pangulong Duterte sa pamamagitan ng Proclamation No. 164 ang Enero 25 bilang Day of National Remembrance.
Kaugnay nito, hinikayat ng Malakanyang ang mga miyembro ng PNP na bigyan ng karangalan ang sakripisyo ng SAF 44 sa pamamagitan ng pagtupad ng tungkulin sa bayan na may integridad at buong katapangan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *