sa China
National

Malacañang, nanawagan sa China kaugnay sa nangyaring insidente sa WPS

PINAIIMBESTIGAHAN ng Malacañang sa China ang paglubog ng barko ng mga mangingisdang Pinoy matapos umano’y banggain ng isang Chinese vessel sa Recto Bank sa West Philippine Sea.

Sa isang pahayag, nanawagan si Presidential Spokesperson Salvador Panelo sa Chinese authorities na imbestigahan ang banggaan at patawan ng kaukulang parusa ang mga Chinese crew.

Ayon kay Panelo, ang pag-abandona ng Chinese vessel sa mga Pilipinong mangingisda na nasugatan ay “barbaric.”

Iginiit nito na pagpapakita ng pagiging hindi sibilisado at hindi makatao ang naging asta ng kabilang kampo na aniya’y isang malinaw na paglabag sa maritime protocol.

Sinabi ng tagapagsalita ng Palasyo na kung mayroon mang territorial conflict sa pagitan ng Pilipinas at China, hindi naman ito dahilan para pabayaan na lamang ang mga nasugatang kababayan nating mangingisda.

Dagdag pa ni Panelo na nagpaabot na ng tulong ang mga concerned government agency sa 22 Filipino crew na lulan ng FB Gimber 1 na na-rescue sa dagat ng isang Vietnamese vessel.

Nagpasalamat naman si Panelo sa mga crew ng Vietnamese vessel na tumulong sa Filipino crew matapos ang insidente.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *