magnitude 6.3 na lindol
National

Malacañang, nagpaabot ng simpatiya sa mga apektado nang magnitude 6.3 na lindol

NAGPAABOT ng simpatiya ang Malacañang sa mga apektado nang naganap na magnitude 6.3 na lindol sa North Cotabato kagabi.

Ayon kay Chief Presidential Legal Councel at Presidential Spokesperson Salvador Panelo, ikinalulungkot ng Palasyo ang insidente.

Nanawagan naman si Panelo sa publiko na manatiling kalmado pero mapagmatyag kasabay ng paghikayat sa lahat na iwasang magpakalat ng mga maling impormasyon na maaring maging sanhi ng pagkaalarma at stress ng maraming tao.

Tiniyak naman ng Sec. Panelo na mahigpit ang monitoring ng national government at Phivolcs sa sitwasyon matapos ang malakas na pagyanig na tumama sa ilang bahagi ng Mindanao.

Sinabi ni Panelo na inatasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng concerned agency ng pamahalaan na magdeploy, rumesponde at agad magbigay tulong sa mga nangangailangan at pag-aralan ang mga plano kung paano ang rehabilitasyon sa mga napinsalang lugar.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *