National

Malacañang dinepensahan ang desisyon ng CA sa appointment ni Lopez

Ipinagtanggol ng Malacañang  ang naging desisyon ng Commission on Appointments (CA) na ibasura ang nominasyon ni Gina Lopez bilang kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, na ang desisyon ng ilan sa mga miyembro ng makapangyarihang CA ay batay sa kanilang prinsipyo at konsensiya.
Sinabi pa ni Abella na maging si Pangulong Rodrigo Duterte ay nirerespeto ang independence ng CA.
Paliwanag ni Abella, na ang pahayag daw ni Duterte na ‘lobby money talks’ ay para lamang i-highlight ang pagkakaroon ng vested interest sa appointment ng mga opisyal.
Hindi raw hangad ng pangulo na yurakan o dungisan ang integridad ng CA.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *