Mak Tumang, nagtaka dahil hindi nasuot ni Rabiya ang headpiece

Mak Tumang, nagtaka dahil hindi nasuot ni Rabiya ang headpiece

NAGTAKA ang fashion designer ni Catriona Gray noon sa kanyang Miss Universe gowns na si Mak Tumang kung bakit hindi nasuot ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo ang headpiece.

Tinawag ni Mak Tumang kamakailan lang ang atensyon ng stylist ni Rabiya sa pamamagitan ng kanyang Facebook page, na si Rain Dagala.

Sumagot naman at nagbigay ng pahayag si Dagala tungkol dito at ayon sa kanya na hindi nasuot ni Rabiya ang headpiece dahil sa bigat nito kung saan 15 kilograms aniya ang bigat nito.

Ngunit hindi naman nakumbinsi si Mak sa ibinigay na impormasyon ng stylist.

Dahil ayon sa sikat na fashion designer na ang headpiece na gawa ni Manny Halasan ay mayroon lamang bigat na 3 kilograms.

Naka-tag naman si Dagala sa Fb page ni Mak at sinabi na kung maaari ay itigil umanong magkalat ng mga maling impormasyon.

Samantala, nagpahayag rin ng mensahe si Dagala na hindi niya intensyon na ikalat ang maling impormasyon at balita at inaming nagkamali siya.

Dagdag din ng stylist na aakuin niya ang responsibilidad sa inilabas na impormasyon.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *