San Jose del Monte Bulacan
Regional

Major thoroughfares ng San Jose del Monte Bulacan, 100% compliant na

NASA 100% nang compliant ang lungsod ng San Jose del Monte Bulacan kaugnay sa direktiba ng DILG sa pagsasaayos ng mga kalsada sa bansa.

Itoy para bigyang daan ang maayos na trapiko sa bansa.

Ayon kay San Jose del Monte City Mayor Arthur Robes, tuluyan nang nalinis ng kanilang lungsod ang kahabaan ng San Jose del Monte na bukas para sa mas maayos na trapiko.

Giit ni Robes, bago pa man ang direktiba ay nauna nang ipinatutupad ng lungsod ang paglilinis ng pangunahing kalsada hanggang sa tuluyan na itong naisaayos.

Sa katunayan aniya, naglagay na ang lokal na pamahalaan ng San Jose del Monte ng walkways.

Matatandaang binigyan ng dalawang buwan ang lahat ng alkalde ng bansa na ayusin ang kanilang lugar para bigyang daan ang maluwag na trapiko sa mga pangunahing lansangan sa ilalim ng direktiba ng DILG.

Nauna na ring ipinagmalaki ng ilang lungsod gaya ng Marikina City na nasa 100% nang tapos ang clearing sa lugar habang nasa 80% naman sa Quezon City, kasama na rin dito ang kasalukuyang pagsisikap ng iba pang Metro mayors gaya ng Pasig, Caloocan, Pasay, Paranaque at Maynila.

POL MONTIBON

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *