Mahigpit na ipinagbabawal ang pamumulitika sa ilalim ng ECQ- DILG

Mahigpit na ipinagbabawal ang pamumulitika sa ilalim ng ECQ- DILG

MAHIGPIT na ipinagbabawal ang paggamit sa pangalan at larawan ng isang politiko sa pamamahagi ng ayuda sa mga naapektuhan ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa NCR plus areas.

Ito ang babala ng Department of the Interior and Local government ang mahigpit na ipinagbabawal sa gitna na rin ng inaasahang pagsisimula ng distribusyon ng financial assistance na 1,000 pesos kada indibidwal o 4,000 pesos kada pamilya sa mga residente sa NCR, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal.

Ayon kay DILG Undersecretary and spokesperson Jonathan Malaya, ang mga violator ay pananagutin sa ilalim ng Section 82 ng General Appropriations act, kung saan ipinagbabawal ang paggamit sa pangalan, larawan, logo, signature o anumang analogous image ng public official, elected man o appointed sa lahat ng programa, aktibidad o proyekto ng gobyerno.

Posible din sampahan ng administrative charges sa ilalim ng COA circular 2013-004 ang public officials na lalabag sa prohibition.

Maari naman aniyang maghain ng reklamo ang publik sa pinakamalapit na DILG field office kasama ang mga larawasan at iba pang documentary evidence na susuporta sa reklamo.

Sinabi rin ni Malaya na bubuo ang DILG ng Joint Monitoring and Inspection Teams (JMIT) sa kada LGU.

Bilang bahagi ng JMIT, agad mag-iimbestiga ang PNP at gagawa ng case build-up sa mga nai-ulat na kaso ng anomalya, iregularidad o Graft and Corruption sa Aid Distribution.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *