Mahigpit na health protocols, kailangan sa pagbubukas ng ekonomiya ng bansa

Mahigpit na health protocols, kailangan sa pagbubukas ng ekonomiya ng bansa

HIHIGPITAN lang ang health protocols laban sa COVID-19 sa pagbubukas ng ekonomiya ng bansa.

Sa panayam ng SMNI News kay Dr. Anthony Leachon, sinabi nito na ang sekreto lang para sa pagbubukas ng ekonomiya ay pananatilihin ang implementasyon ng minimum health standards.

Kasunod ito sa pagbibigay suporta ni Dr. Leachon sa 100% na pagbubukas ng pampublikong transportasyon sa bansa.

“Ako naman ay open, because we know mataas ‘yung unemployment rate natin ngayon. As we reopen the economy, kailangan naman po talaga may public transport. Pero ang hinihiling lang natin, dapat hindi tayo magre-relax ng ating health protocols,” pahayag ni Leachon.

Alam naman ng pangkalahatan aniya na kung ire-relax ang implementasyon ng protocols ay posible ang muling paglobo ng COVID-19 cases.

“’Yun lang ‘yung patakaran na gusto natin kasi pagka ginawa natin na hindi mahigpit ‘yung health protocols, ang laki ng probabilidad na magkaroon ng resurgence,” mungkahi ni Leachon.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *