ng marijuana
Metro

Mahigit P1-M ng marijuana, nasamsam sa Quezon City

MAHIGIT isang milyong halaga ng marijuana ang nasamsam ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa E. Rodriguez, Quezon City.

Sa ikinasang follow-up operations sa PDEA – Cordillera Administrative Region nasabat ang nasa walo hanggang sampung kilo ng marijuana sa isang garahe ng pampasaherong bus.

Ayon sa PDEA-CAR, mismong ang bus company ang tumawag sa kanila upang ipaalam ang nakita sa bag na nakatakdang ipadala sa Ifugao.

Hinala ng PDEA, may kaugnayan ang nakumpiskang bag sa anim na bag na nasabat sa pitong kabataan noong July 21 sa Ifugao.

Kasunod nito ay nanawagan ang OPDEA sa mga establisiyamento na paigtingin ang pakiki-pagugnayan sa mga otoridad dahil malaki hakbang ito upang sugpo ang kriminalidad.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *