Mahigit isang libong dinamita at APMs, nasamsam ng AFP

Mahigit isang libong dinamita at APMs, nasamsam ng AFP

NASAMSAM ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mahigit isang libong dinamita at Anti-Personnel Landmines (APMs).

Ipinagbigay-alam ng dating rebelled sa AFP ang pinagtataguan ng mahigit sa isang libong dinamita at Anti-Personnel Landmines (APMs).

Isang tip galing sa dating New People’s Army ang nanguna para matunton ang pinag lalagyan ng nabanggit na mga pampasabog.

Dahil sa tulong ng dating komunistang rebelde, nadiskobrehan ang 1,076 na piraso ng dinamita at APMs mula sa NPA na nakuha ng kasundalohan sa Malaybalay City, Bukidnon.

Sa isang pahayag mula sa 8th Infantry Battalion (8IB) nitong Lunes, isang dating lider ng mga rebeldeng grupo na nagngangalang Ronald  Landasan alyas “Gamay” o “Gaspar” ang nagturo sa mga sundalo kung saan inilagay ang mga dinamita na ginagamit para gawing APMs.

Bago sumuko ang nabanggit na rebelde, naging miyembro ito ng NPA kung saan ito ay isang squad leader ng Sentro De Gravidad Dario, Guerilla Front 89, Sub-Regional Committee 2, North Central Mindanao Regional Committee.

Isa sa mga bagay kung bakit itinuro ni Landasan ang mga itinagong dinamita ay dahil ayaw nitong magamit pa laban sa pwersa ng estado at mga sibilyan.

Ayon sa 8IB, Sinabi ni Landasan na ang mga nasamsam na mga dinamita ay gagamitin sana ng mga NPA laban sa military na o-operate sa kabundukan ng Bukidnon.

Lininaw naman ni Lt. Col. Edgardo Talaroc Jr., 8IB commander na ang mga NPA ay nilalabag ang probisyon sa Ottawa Treaty.

Ayon naman kay Brig. Gen. Ferdinand Barandon, commander of the 403rd Infantry Brigade, ang pagkakuha sa mga dinamita na gagamitin sana para gawing APMs ay nakatulong para hindi na magamit pa ng mga rebeldeng grupo na pwedeng makasakit at kumitil ng buhay ng mga sundalo at sibilyan.

Dinala naman ang mga nasamsam na mga dinamita sa Bukidnon Provincial Explosive Ordinance Disposal and Canine for proper disposition.

Kahapon lamang ay may inilabas rin na good news ang 4th Infantry Division (4ID) na na-detonate mga pampasabog, ito’y 77 assorted IEDs, gagamitin sana para gawing APMs.

Ang mga nakuhang mga pampasabog ay nakuha pa sa ibat-ibang operasyon ng tropa sa Northern Mindanao at Caraga region.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *