Mahigit 8K tablets para sa mga estudyante, ipinamahagi sa Taguig

Mahigit 8K tablets para sa mga estudyante, ipinamahagi sa Taguig

SA kauna-unahang pagkakataon  ay nagsimula nang mamahagi ang Taguig City government ng higit walong libong tablets para sa mga estudyante ng Taguig City University.

Ayon ito kay Dr. George Tizon ang Chief Supervisor Head ng Taguig City Education Office.

Nasa kabuuang 8,667 tablets para sa mga estudyante habang 267 naman para sa faculty ang ipapamahagi ng Taguig LGU sa naturang unibersidad.

Ginawa ang inisyatibong ito ni Taguig City Mayor Lino Cayetano bilang bahagi ng Sharpen Online Learning Program ng Taguig City.

Ang mga naturang computer device ay kabilang sa mga inihandang programa sa edukasyon ng pamahalaan ng lungsod sa multi million program hindi lamang sa edukasyon pati na rin sa health programs.

Ayon din kay Tizon bukod sa tablets, makatatanggap din ng allowance na hindi bababa sa P5,000 para sa pangangailangan ng internet ng mga estudyante.

Sinabi ni Tizon na nahihirahapan ang mga mag-aaral ng TCU na makasagap ng internet dahil sa kalayuan ng  kanilang lugar.

Maaari rin naman lumabas ang mga estudyante ng TCU upang makasagap ng dekalidad na internet  dahil may 120 hot spot ang Taguig City.

Maaari ding magtungo ang mga studyante sa campus para makagamit ng internet.

Sa kabila nito ay tinitiyak pa din ng Taguig LGU na mabibigyan pa rin ng dekalidad na edukasyon ang mga estudyante ng TCU dahil nire-require dito ang online session.

Samantala bunga naman ng sunod sunod na suspensyon ng klase dulot ng bagyo ay pinag-aaralan naman ngayon Taguig City Education Office ang paglalaan make up classes week sa susunod na linggo dahil umabot nga sa halos isang linggo ang suspensyon ng klase nitong nakalipas na araw.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *