pulis ang idineploy
National

Mahigit 8,000 pulis ang idineploy ngayong Araw ng Paggawa

NASA 8,400 na mga pulis ang idineploy ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

Para matiyak ang kaligtasan at kaayusan ng kaliwa’t kanang kilos protesta ngayong Araw ng Paggawa.

Ayon kay NCRPO Chief Police Major General Guillermo Eleazar, nasa 800 ang idineploy sa Maynila na magiging sentro ng protesta.

Mahigit 800 naman aniya na iba pang pulis ang itinalaga sa iba pang lugar.

Habang ang mahigit 6,000 na pulis ay ipagpapatuloy ang kanilang regular na pag-iikot at mobile patrols ngayong araw.

Sinabi ni Eleazar na kabilang sa tungkulin ng mga ito ay tumulong sa pagmamando sa daloy ng trapiko at mag-obserba sa anumang criminal activity.

Muli ring tiniyak ni Eleazar sa mga lalahok sa rally na ipatutupad ng pulisya ang maximum tolerance.

Sa ngayon ay patuloy ang pagdagsa ng iba’t ibang militanteng grupo sa Mendiola, Welcome Rotonda sa Quezon City.

Kabilang ang iba pang lugar sa Metro Manila para sa kanilang mga kilos-protesta.

SMNINEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *