medical attention traslacion
Metro

Mahigit 700, nabigyan ng medical attention sa kasagsagan ng Traslacion

UMABOT na sa mahigit 700 ang natulungan sa pamamagitan ng medical attention ng Philippine Red Cross (PRC) sa kasagagan ng Traslacion 2020.

Ayon sa PRC, kabuuang 775 na mga deboto ng Traslacion ang kanilang nabigyan ng medical attention simula pa kahapon hanggang kaninang 1:00 ng hapon.

Sa nasabing bilang, 527 ang nagpatingin ng blood pressure, 200 ang binigyan ng first aid dahil sa pagkahilo, nahihirapan huminga, pagtaas ng blood pressure, abrasion, laceration at sprain.

Labing dalawang indibwal naman aniya na may minor medical case ang ginamot on-site at pitong pasyente ang dinala sa ospital ng Maynila at Jose Memorial Medical Center.

Habang nasa 29 na indibwal ang naserbisyuhan ng kanilang welfare unit sa pamamagitan ng psychosocial first aid.

Dedikasyon at hinahon ng mga pulis na nagbantay sa andas ng Itim na Nazareno, pinuri

Patuloy ang pagbibigay ng seguridad ng Philippine National Police sa Traslacion ng Itim na nazareno.

Ito ang tiniyak ni PNP Spokesperson Police Brigadier General Bernard Banac.

Ayon kay Banac, naging mabilis ang usad ng andas dahil na rin sa kooperasyon ng publiko.

Ilang minor injuries ang naitala ng mga awtoridad dahil sa matinding tulakan.

Patuloy na nanawagan ng hinahon ang PNP sa publiko habang nagpapatuloy ang Traslacion.

Sinabi ni Banac na nauunawaan nila na may ilan sa kababayan natin ang nadismaya dahil sa hindi nila magawa ang ilan nilang tradisyon kasunod ng matinding pagbabantay ng awtoridad.

Pero ipinatupad lamang anya nila ang matinding seguridad upang matiyak na magiging matagumpay, ligtas at maayos ang Traslacion ngayong taon.

Kasabay nito, pinuri ni PNP Officer-in-Charge Police Lieutenant General Archie Francisco Gamboa ang mga pulis ng NCRPO dahil sa dedikasyon at hinahon sa matinding pagbabantay sa andas.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *